September 11, 2001, ganap na ika- alas otso kwarenta y singko. Sa Isang lokal na telebisyon dito sa pinas, umere ang isang balita. Inatake ang World Trade Center. Nagulat hindi lang ako, kundi buong pamilya ko sa aming nasasalsihan.
Kitang-kita ang pagliyab ng palapag ng gusali at kahit di ko masyado naiintindihan ang ulat sa telebisyon dahil sa wikang ingles ito, ramdam ko sa boses nya na kabado sya at mangha sa nakikita din nila na pag atake sa lugar na kung saan nandun ang komersyo ng amerika.
Habang nasa live footage ay kita ko ang mga tao na nagtatakbuhan, ang iba takot, may isa na tumawag ng pansin ko na parang naintindihan ko ang tanong nya sa isang reporter, bakit nangyayari ito? Ang duon ay napaiyak ito at nayakap na din ng reporter ito. Tila may kirot sa puso ko ng aking mapanood ito.
Labing dalawang taon na ang nakalipas, pero isang banta ulit ang tila nagbabadya na mitsa ulit ng kaguluhan. Pinipilit ng pangulo ng amerika na magsagawa ng gyera kontra sa bansang Syria. Sa pananaw ko, mali ito. Ihalimbawa natin dito sa pinas, may kaguluhan ngayon sa Zamboanga, tama ba na idaan sa peace talks ang usapan o sa baril? Eto ba ang gusto ng mga inosenteng tao na ang gusto lang ay kapayapaan?.
Sana, bukas ay 12th Anniversary ng pag atake sa world trade center, matuto na tayo sa leksyon na binigay sa atin ng mga inosenteng biktima na nasayang ang buhay, upang ipa intindi sa atin na, Pwede bang Peace na lang? O baka duon sa langit magkaroon ng kapayapaan na nais ng lahat.
Nawa'y ang mga kaluluwa ng mga namatay sa insidenteng ito ay matahimik na. Amen!
0 comments:
POST A COMMENT