"Vhong Navarro VS Cedrick Lee & Denise Cornejo" | AnobayanNewsPH

News that Matter Mosts for the Filipino!

Blog News
Loading...

Monday, January 27, 2014

"Vhong Navarro VS Cedrick Lee & Denise Cornejo"

Isang isyu na naman ang sumambulat sa buong taong bayan, isang artista kasi na matagal na sa industriya at walang kaaway dahil sa magandang pakikitungo ang naging mitsya ng isang pang aabuso ng ilang grupo ng mga kalalakihan. Oo, tinutukoy ko ang isyu tungkol sa pagitan ni Mr. Vhong Navarro at Cedrick Lee at Denise Cornejo. Ang gulo na nag ingay nung sabado ng gabi sa national broadcast sa pinas. Narinig ko ang ingay na ito habang nakikinig sa programa nila papa jack at chico loco sa yesfm. Nag flash sila na di umano'y nabugbog si vhong sa isang condo sa makati. Nakumpirma ito pagkalipas ng madaling araw ng sabado sa bandila ng ch.2. Nabugbog nga ang actor tv host. Agad na develop ang istorya at lumabas pa ang isyu ng attempted rape. Kaya nang magsalita si vhong sa isang panayam noong linggo sa talkshow, ininterview ni boy abunda at na ikwento na ang buong nangyari.  At ngayon nagsalita na ang kabila.

  Kung talagang nagahasa si denise, bakit may lakas pa ng loob itong
Magpainterview sa media dahil rape victim sya at bakit pinkawalan pa si vhong kung nang rape tlga sya? Yun ang malaking tanong ng bayan.

Ngayon ay may mga hakbang na ang bawat panig, wala tayo sa lugar ng pinangyarihan, pero ang ginawang pambubugbog at pambababoy sa isang aktor na disente at walang bahid ng masamang budhi ay nararapat ng isang hustisya.

Kaya nga isang aral ang natutunan ni vhong sa leksyong ito, " huwag magtiwala ng basta basta sa isang tao." Oo dahil ako ay di agad nagtitiwala sa isang taong maganda at seksi pero parang di reliable ang mga pahayag.

Tama din ang sinabi ni vhong navarro, na dapat ay may magbayad sa  gumawa sa kanya nito. Oo nag iimbestiga na ang nbi at taguig, pero di ba ang Southern Police District ang may hawak ng kaso? At ang pag citizens arrest kay vhong, di man lang naka hingi ng abogado dahil sya ay naaresto at asan ang polic blotter report na di umano'y nawawala? Nasan ang pinag aralan ng mga pulis? Kung isinagawa ng pulis ang tamang paghawak sa ganitong sitwasyon, di na magtuturo sila kung sino ang sinungaling. May police lapses tlga dito at aminado na si Col. Deasis.

Habang pinapanood ko ang interview nila cedrick at denise, ramdam ko na di reliable at tila tinahi ang kwento. Pero kailangan nating antabayanan ang mga pede pang maganap pag nagharap na sila sa korte. Sa ngayon ay inooperahan si vhong at nagpapagaling na sya. At ayon na din sa abogado ni vhong ay handa na sila sa kasong isasampa sa kabila. Malaman ang pahayag ng abogado nito na: " do it!".

Sana ay sumingaw na ang baho at yung mga nakakita at saksi, lumantad na kau, para umusad ang hustisya sa kasong ito.

google+

linkedin

About Author
  • Anobayan Publishing Inc. will not be responsible for any harsh comments, but we will take actions to disable or remove comments that maybe not sensible and incorrect!. Read More

    0 comments:

    POST A COMMENT

     

    About Us

    Anobayan News Philippines is a Online News Platform created by Anobayan Publishing Inc. located on Caloocan City, Metro Manila. Operating Daily and getting news all over the Philippines! We are independent news serving body since 2008. From an test radio to online and video news platforms.

    Join Us!

    Subcribe, Join and Share our Blogsite! Be part of Independent News Spreadsheet! We are always welcome new shortclips, news articles but your name will be credited! Email your news at: controlweb14@yahoo.com

    Viewers

    Anobayan Publishing Inc.

    Anobayan Publishing Inc.
    Creators of AnobayanTeamPH, TropangLikod, TambayanNgTotoongTao, AnobayanNewsPH and Black Demon-09, AnobayanTV and More!
    An AnobayanTeamPH Developement Copyright©2013 . Powered by Blogger.