"Bus Accidents sa kalsada, sanhi ng pag aalinlangan ng mga pasahero" | AnobayanNewsPH

News that Matter Mosts for the Filipino!

Blog News
Loading...

Tuesday, February 11, 2014

"Bus Accidents sa kalsada, sanhi ng pag aalinlangan ng mga pasahero"

                Ang pagbagsak ng GV Florida bus sa bangin ng Bontoc, Mt. Province ay naging sanhi sa pagkamatay ng 15 katao at ilang sugatan at dahilan upang suspindihin ang prangkisa ng operator at nalaman pa na tampered ang plate number at illegal ang prangkisa ng nasabing bus. Nag imbestiga ang ilang kina uukulan ukol sa tila palpak na mga bus na ito. Kaya naman nawalan ng hanap buhay ang mga driver at konduktor ng mga bus ng gv florida.
   
       Pero bago natin sisihin ang mga ito, eh dapat alamin muna naten ang mga bagay bagay sa loob ng isang transport terminal. Ayon sa aking na reasearch mula sa mga talang ulat at salaysay ng mga dating driver ng mga bus. Aking natanto na may dahilan kung bakit palaging may mga naaksidente na mga bus sa kalsada at probinsya, ito ay dahil na rin sa mga SAKIM na mga GAHAMANG OPERATORS na GINIGIPIT ang mga pobreng Bus driver at kunduktor. Kasi ang kalakaran di umano sa mga terminal eh dapat ay makadami ng kita at byahe ang mga bus driver at kunduktor. Dahil sa ganitong bagay ay tila imbes ay makauwi ng bahay at mag pahinga eh, bababyahe pa sila upanb makota ang kita sa loob halos ng 24 oras. Natuklasan ko pa na ang ilang bus driver ay umiinom ng illegal na droga upang manatiling gising at maka byahe. Kaya halos sa mga balita, mapapanood natin na bumanggang bus, dahil sa pagiging mukhang pera ng mga operator ng bus ay nasasangkot sa ilang aksidente sa daan.

        Sa isang exclusive interview ni kabayan sa tv patrol kagabi ay nalaman na hindi kasalanan ng mga bus driver ang mga aksidente sa daan. Itinampok nila ang isang bus company na " Pangasinan North Star" kung di ako nagkamali ng name. Ang mga bus driver at konduktor ay buwanang sumusweldo sa  trabaho. At may incentives pa, meron din silang Christmas bonus, at 13th month pay. At may extra bonus pa kung perfect attendance at maayos at nasa kondisyon ang  bawat bus na lalabas sa bus terminal. Kaya naman di kelangang maghabol ng mga driver at konduktor sa kita dahil sa maayos na kita ng mga ito. Nasabi pa ng operator na kayang gawin ng mga operator na gawin yun dahil kumikita naman ang bawat bus company.

       Kaya mga social readers, sa tingin niu, solusyon ngaba na permanente ang speed limiters at breakers upang walang maaksidente o kalampagin ang mga bus operators at isaayos ang mga bus na bawat babyahe upang walang maaksidente pa at nang guminhawa nman ang buhay ng mga kawawa nating bus drivers? Ano sa tingin niu? Kayo na ang humusga.

google+

linkedin

About Author
  • Anobayan Publishing Inc. will not be responsible for any harsh comments, but we will take actions to disable or remove comments that maybe not sensible and incorrect!. Read More

    0 comments:

    POST A COMMENT

     

    About Us

    Anobayan News Philippines is a Online News Platform created by Anobayan Publishing Inc. located on Caloocan City, Metro Manila. Operating Daily and getting news all over the Philippines! We are independent news serving body since 2008. From an test radio to online and video news platforms.

    Join Us!

    Subcribe, Join and Share our Blogsite! Be part of Independent News Spreadsheet! We are always welcome new shortclips, news articles but your name will be credited! Email your news at: controlweb14@yahoo.com

    Viewers

    Anobayan Publishing Inc.

    Anobayan Publishing Inc.
    Creators of AnobayanTeamPH, TropangLikod, TambayanNgTotoongTao, AnobayanNewsPH and Black Demon-09, AnobayanTV and More!
    An AnobayanTeamPH Developement Copyright©2013 . Powered by Blogger.