Ngayong araw ay kumanta na ang tinaguriang "Pork Barrel Queen " nasi Janet Lim Napoles. Ayon kay Doj Sec. Leila De Lima ay sumumpa na si napoles sa kanyang sworn statement patungkol at pinatotoo na may kinalaman sina Enrile, Estrada at Revilla sa PDAF Scam issue. Pero di tiyak kung magiging star witnesd si napoles dahil kelangang pag aralan pa ang mgasinumpaang salaysay nito.
Pero, sa kabilang banda ay medyo natauhan na din si napoles dahil alam nyang delikado ang buhay nya kung hindi nya ikakanta ang may pakana ng mga ito. Patunay lang na may "Kwenta " pa ang hustisya ng pinas. Totoo man o hindi ito, dapat ay idetalye na lahat ni napoles upang makulong na ang tatlong ito. Sinabi na din dati ni Sen. Miriam Santiago nuong unang magharap sila ni napoles na pwedeng ipapatay ka nila kya siguro ay naisip na ni napoles na kumanta na. Pero sabi nga, may mas malaki pang isda ang kasabwat sa pdaf scam na ito at mas ma uungkat pa ang mga isyung nakakubli at handang sumingaw kpag nagsimula na ang Tunay At Tapat na imbestigasyon ng mga opisyal na may hawak ng isyung ito, kaya goodluck!
Isa lang naman ang hiling ng bayan, ang isiwalat ang pagnanakaw sa kaban ng bayan na ninakaw nila na dapat ay sa pagpapaunlad ng buhay ng mga mahihirap hindi sa bulsa ng iilang buwaya at kawatan lamang.
Tuesday, April 22, 2014
"Ang Bahong unti-unting sumisingaw" Political Issues of the Philippines
About Author
Anobayan Publishing Inc. will not be responsible for any harsh comments, but we will take actions to disable or remove comments that maybe not sensible and incorrect!. Read More
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
POST A COMMENT