Naranasan ko na ang mag commute araw-araw, magulo at mausok ang kalsada at makikita mo ang napakaraming tao na nag aantay na may masakyan pauwi, kaya nga malaki ang papel ng mga jeepney sa bawat commuter sa pinas. Pero, may naranasan akong kakaiba tulad ng isang jeep na nasakyan ko sa bagong silang, caloocan city. Isang jeep na ang akala ko sa una ay matino, pero nang sakyan ko ang jeep na ito, naramdaman ko ang impyerno sa lupa ng madaling araw ng March 1, 2014 sa ganap na 12:05am.
Isang pampasaherong jeep na byaheng Kanan B Silang Ph.5 na pinuno muna bago lumarga. Sa una ay maayos mag patakbo ang driver dahil siguro sa mga truck na lumiliko. Pero nang makarating na kami sa maluwag at alang sasakyan masyado eh humarurot na ang loko. Halos mapakapit ako sa hand rail ng jeep. At bigla ay may isang sasakyan ang muntik nang bumangga sa amin at napapreno ito ng malakas. Halos mapasubsob ako sa lakas ng preno ng jeep. Kaya nagalit ako sa ginawa nya at nakasagutan ko pa sya. Pero tila sya pa ang matapang. Nakuha ko ang plaka ng jeep at di ko na i post ito dahil baka napahiya sya sa ginawa ko.
Pero ang paalala ko sa mga katulad kong mag commute, sakyan niyo na lang yung lumang jeep, mas safe pa at maayos pa magmaneho kesa sa mga bata bata, na dadalhin ka sa impyerno.
Friday, February 28, 2014
"Ang mga kaskaserong Driver na nasakyan ko!"
About Author
Anobayan Publishing Inc. will not be responsible for any harsh comments, but we will take actions to disable or remove comments that maybe not sensible and incorrect!. Read More
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
POST A COMMENT