Sa mga nakalipas na mga araw, napatunayan ng ating gobyerno na madali tayong maapi at maliitin ng ibang lahi. Tanging tulong sa mga kaalyadong bansa na lang ang tanging kakampi natin, kaya tayo madaling mauto. Ito rin ang dahilan kaya walang pag unlad sa bansang pilipinas. Ito ba ang tamang panahon para palitan na ang ating gobyerno? Kawawa naman ang mga pinoy na inaapi ng ibang lahi dahil sa wala namang kakayahang ipagtanggol tayo ng gobyerno.
Ang pinag aawayang panatag shoal sa west philippine sea ( dating south china sea) ay binomba ng water cannon ang mga mangingisdang pilipino doon. Kaya ang resulta eh nag tyatyaga sila sa maliit na isda na kakaunti pa. Nakakalungkot lang dahil hindi man lang gumanti ang gobyerno sa ginawang ito ng tsina! Kaya ba natakot na gumanti ang pinas ay dahil sa mga modernong barkong pandigma, modernong teknolohiya ng tsina? Hindi dahil sa ayaw ng gulo? Napatunayan lang ng gobyern na sila ay takot. Kung nag sorry lang ang pangulo sa nangyaring luneta hostage massacre noong 2010 eh di sana ay di masyado naapi ang mga pinoy ofw na nagtratrabaho sa china at hongkong. Kung naging matapang lang ang gobyerno at inaayos ang malalang isyu ng kahirapan, agrikultura, edukasyon, kalusugan, pandigma, at pondong dapat ay ginagasta ng tama eh di sana ay may laban tayo kahit na maliit na bansa itong pinas.
Kaya naman kahit umabot sa 1000 pahina ang isulat ko eh wala namang mababago eh. Kaya naman mas maganda pa ata kung panahon ni Marcos ang ating administrasyon, siguro ay di tayo maapi ng ganito. Sayang at anak pa ng mga dakilang bayani na sina Ninoy at Cory Aquino. Baguhin at paigtingin ang sistema ng pamahalaan, hindi ang pagpapangalan ng batasan high school sa cory c aquino.
Saturday, March 1, 2014
"Nagiging Inutil na ba ang Gobyerno ng Pinas?"
About Author
Anobayan Publishing Inc. will not be responsible for any harsh comments, but we will take actions to disable or remove comments that maybe not sensible and incorrect!. Read More
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
POST A COMMENT