Dumating si US Pres. Barrack Obama sa Pilipinas nung Lunes, ala una ng hapon lulan ng official aircraft carrier ng the white house, Ang Air ForcecOne, dumalo sya mula sa kanyang state visit mula sa Bansang Japan. Dito ay nakipag kasundo ang amerika at pilipinas na ma ipahiram o maipagamit ilang base militar ng pilipinas ng US Army. Pero bago pa man dumating si obama sa pinas, isang araw, nagkaroon ng isang joint agreement ang us ambassador to the philippines at ang Phil Army, na maipatupad ang planung pagpagamit ng mga base militar dito sa ating bansa. Ayon naman sa ilang senador, tila mali at di man lang dumaan sa senado ang pinirmahang ito at tila minadali at isinakto sa pagdating ni obama. Kaya ang tingin ng ilang, mukhang nauto si Pnoy ng amerika at di umanoy mukhang mapapa sailalim tayo ng kanilang pamumuno.
Kung ang dahilan ng bansang amerika ay upang magpalawig pa ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpagamit ng base militar ay may masisilip na pang aabuso ulit. Matatandaang, nagkaroon na din ng VFA o visiting forces agreement ang pinas at us kung saan ay NANGAKO ang us ng tulong sa bansa, ngunit puro katarantaduhan ang nangyari at tila may mali pa dahil isang corporal daniel smith ang nadawit sa kasong rape laban sa isang pinay na tinangkang gahasain sa subic, zambales. Oo, walang nangyari sa kaso at tila nabayaran lang eh umatras ang biktima at nabasura ang kaso. Mukhang totoo nga ang kasabihang "History repeat itself". Hindi na tayo natuto at nadala eh, eto. Isang bagong kasunduan na naman ang pinirmahan at tila puro pangako ang US. Bakit hindi kayang manindigan ng pinas at itayo ang sarili. Eh, kung yung depensa pa lang natin eh talo na tayo eh, tapos tila tuwa pa ang malacañang dahil tila may KAKAMPI na ang pinas laban sa china. Hay, naisahan na naman tayo. Hay buhay!!!!
Monday, April 28, 2014
"Pagbisita ni Obama, May Dahilan Kaya?"
About Author
Anobayan Publishing Inc. will not be responsible for any harsh comments, but we will take actions to disable or remove comments that maybe not sensible and incorrect!. Read More
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
POST A COMMENT