Sumuko si deniece Cornejo sa CIDG sa camp crame nang maki usap na ang mga kamag anak niya na sumuko na lang. Dahil ito sa kasong serious illegal detention na isinampa ng kampo ni navarro ukol sa ginawang pambubugbog sa kanya sa taguig nung pebrero.
Kaninang umaga ay humarap na sa Taguig Regional Trial Court sina Cornejo, Cedric Lee at Simeon Raz kasama ang abogado nilang si Atty. Calleja. Dumating din sa unang pagkakataon si Vhong Navarro kasama si Atty. Mallonga.
Nagharap naman ang bawat kampo, ayon na din sa pahayag ni Atty. Mallonga sa News5 kanina, naging maayos naman at nadaan sa proseso ang pagbasa ng husgado kay cornejo at sa iba pa. Ito ang unang beses na nagharap ang mga ito ilang linggo na ang lumipas matapos ang insidente sa taguig.
Nakunan din ng ilang taga media ang paghabol ng isang matandang babae kay Vhong Navarro at paninigaw sa aktor tv host. Muling bumalik si Cornejo sa CIDG camp crame upang manatili duon. Kinumpirma ng camp crame na walang ibibigay na "Special Treatment" kay cornejo duon. Nagtalaga din ng oras at araw ng dalaw kay cornejo. Lunes-Biyernes 1pm-5pm at Sabado 9am-5pm at wala sa linggo. Mas pinili ni cornejo na sumuko sa cidg kesa sa nbi kung saan naka detained sina cedric lee at simeon raz. Ayon pa sa ulat ng News5 ay binasahan si Cornejo ng "Not Guilty Plea" ng taguig rtc.
OPINYON:
Mahirap magbigay ng opinyon sa naging aksyon ngayon ng hustisys ukol sa isyung ito, ngunit nakakatuwang isipin na may nakukulong pa din kahit isa kang modelo, isang body gym instructor at isang luko-lokong negosyanteng mayaman. Kung ang batas sana na ipinataw ng korte kay deniece cornejo ay tulad din ng batas sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno, lalo na ang mga dawit sa PDAF Scam, eh di sana walang corrupt at di kawawa siJuan dela cruz ngayon. Mukhang pili ang batas pagdating sa mga taong sangkot sa isang isyu, lalu na yung may katungkulan!
Resources: Photo Mugshot Courtesy of PNP-PIO Camp Crame
Taken from: www.zeibiz.com
News Hints come from News5 Philippines
Tuesday, May 6, 2014
"Deniece Cornejo at Vhong Navarro, Nagharap na!"
About Author
Anobayan Publishing Inc. will not be responsible for any harsh comments, but we will take actions to disable or remove comments that maybe not sensible and incorrect!. Read More
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
POST A COMMENT