|
Courtesy of PhilStar News Online |
Arestado noong May 13, 2014 bandang alas kwatro ng hapon ang mga suspek malagim na pamamaril sa Regalado, North Fairview. Sa pahayag ni Ins. Taqueban, ay mahahain sana ng
Warrant of Arrest ang mga QCPD police sa
Fairmont Subdivision, Fairview, QC. Nang paputukan ang ma pulis. Naaresto ang mga suspek na sina:
Bochary Mindalano 28, Anmad Madkadato 18, Cesar Ate 45, Mangontawar Monib 31, at isang 16 anyos na binatilyo. Nakumpirmang mga adik ang mga ito at napagtripan ang mga biktima. Nakumpirma din na isa sa mga suspek ay dating may kaso ng pagpatay din. Iniutos na ni
QCPD Director Chief Supt. Richard Albano na agad nang sampahan ng kaso ang mga nadakip na mga suspek. At dagdag pa ni Albano, nakaka recieve ng mga death threats ang mga kaanak ng biktima, kaya tinulungan nya ang mga ito sa pamamagitan ng security assistance sa mga ito. Sa ginawang Press Conference ni
Mayor Herbert Bautista na nadidismaya sya sa di agad pag huli at pag aksyon ng kapulisan nang maganap ang insidente. Dagdag pa ni Bautista, kapag high profile ang mga suspek ay agad nahuhuli ngunit kapag mga di kilala o mga mababang uri ng kriminal ay di mahuli agad. Dito ay nalungkot at nadismaya si Bautista, dahil dito, sinibak na sa pwesto si
PCP Commander Chief Insp. Allan Cabili ni
PNP Chief Allan Purisima. Sa ngayon ay isang suspek na lang ang natitira at patuloy na hinahanap ngkapulisan.
OPINYON:
Mukhang kelangan ng remedial class ng ilang kapulisan natin, oo nga at nahuli na ang ilang mga suspek. Pero kelangan pa bang ma media o di kaya ay makarating pa sa pnp chief ang kasong ito bago kumilos ang pakupad kupad na mga lespu na ito? Paano kung high profile criminals ang nasagupa ng mga pulis? Edi walang kwenta ang mga pulis, grabe naman, kayo ang may armas, kayo ang batas, pero pag ganitong isyu, hindi mo mahagilap.Yan ang hirap sa mga pulis, puro tapang sa mga kinikikilan nilang mga pobreng
mamayan, pero pag may pumalag tahimik? Mukhang nagiging INUTIL ang mga pulis. O baka, hawak ng ilang mga opisyal ang mga suspek na ito dahil nagawa pa nitong magpadala ng death threat sa mga kaanak ng biktima? Kailangan bang magkaroon ng checkpoint pag may ganitong gulo? Kung pag iibayuhin ng QCPD ang police visibility kahit malaki ang fairview, edi sana nahuli agad ang mga ito at mabilis pang matunton ang dawitsa mga taong ito. Tama ang sinabi ni Mayor Bautista, kailangan ng Revamp sa PNP. Kumuha kayo ng lessons o seminar kay Davao Mayor Duterte, sigurado, malilinis ang Quezon City, pati buong Metro Manila.
Resources:
Image use from www.philstar.com (Pilipino Star Ngayon) Tabloid
News infornation from yahoo news ph
0 comments:
POST A COMMENT