|
Courtesy of 2.bp.blogspot.com |
Sa tindi ng init ng panahon ay patuloy na mas nangangailangan ang buong metro manila ng tubig. Tinatayang mas tumaas pa ang pangangailangan nito simula nangtumaas ang populasyon ng piipinas noong taong 2009. Kaya mas tumaas ang demand sa tubig. Pero nanganganib na ang patubig sa metro manila dahil sa patuloy na pag baba ng tubig. Dahil dito, kinailangang ipatigil ang pagsupply ng patubig sa ilang mga sakahan, dahil baka kapusin ng tubig ang
Angat Dam. Pinaplano na ng gobyerno ang pagpapatayo ng dalawang bagong dam na gagawin sa mga bayan ng
Rizal at Quezon. Ito ay upang mas matugunan ang mas lumalaking demand sa tubig. Ang mga nasabing dam ay magsisilbing imbakan upang hindi magkaroon ng kakapusan sa tubig sa susunod na taon. Ang nasabing plano ay aabot sa bilyong piso ang pondo at ipapasa sa mga consumers ang gastos sa pagpapagawa nito. Sa ngayon ay inaantay na lang ang pirma ng pangulo ukol dito at upang ipa bid na ang nasabing proyekto. Muli ay nanawagan ang water consumer groups na magtipid tipid muna pansamantala sa pangangailangan ngtubig.
Opinyon:
Ang pagtitipid sa tubig ay malaking bagay upang makatulong sa kakulangan ng tubigsa buong metro manila. Maganda ang plano na mag pagawa ng dam upang mag suplay sakali mang bumaba ang level ng tubig sa angat dam na matagal nang nagsusupply ng tubig sa buong metro manila. Pero kung ang pag gastos ng pera ulit dito ay hindi tama, bka maiwang nakatiwangwang ang ginagawang dam. Napakahirap nang magtiwala sa gobyerno matapos ang isyu sa pork barrel scam. Mukhang pera ulit ang nakikita ng mga kurakot sa pag bid ng pag gawa ng dam na ito. Eh bilyong piso budget nito eh?
0 comments:
POST A COMMENT